Monday, August 10, 2015

Paumanhin ng Nagmamahal

"You need to spend time crawling alone in the shadows to truly appreciate what it feels like to stand in the light."
-Shaun Hicks

Paumanhin ng Nagmamahal
isang bukas na liham kay Jean Vicente

Ako ay humihingi ng paumanhin sa iyo
Hindi dahil sa gusto kitang bumalik
O gusto man kitang masilayan muli
Ngunit gusto kong magpaumanhin
Upang sa gayon ay ako'y matahimik

Pasensya na at minahal kita
Pasensya na at hinangad ko ibigay ang lahat
Pasensya na at ikaw lang ang nagpangiti sa akin
Pasensya na at binuksan ko ang buong katauhan ko sa iyo
Pasensya na at pinasaya mo ako ng totoo

Pasensya na at ako'y naging mapilit
Pasensya na at ako'y nagmadali
Pasensya na at ako'y naging metikuloso
Hindi ko lang naman talaga alam

Hindi ko alam kung paano magmahal
Hindi ko alam kung paano kita mamahalin
Hindi ko alam kung paano ko maipapakita
Hindi ko alam kung ano nga ba ang gusto mo

Ang gusto ko lang naman ay makasama ka
Sa bawat oras na kailangan kita
Gusto ko lang naman masilayan
Ang ngiting nagpapaliwanag sa mundo kong walang araw

Gusto ko lamang ay sumaya
Sa iyo ko lamang ito nahanap
Bawat umaga ikaw ang nasa isip
Wala namang ibang gumagana

Alam kong hindi ako perpekto
Pero sana alamin mo na ako'y nagpapakahirap
Para maging sapat sa iyo
Ayoko lang naman na mawala ka

Sabihin mo man na mayroon pang iba diyan
Na makakapagpasaya sa akin
Paano mo nga ba alam?
Alam mo ba ang nararamdaman ko?

Kapag nakikita kita, ang mundo ko'y nawawalan ng kalinawan
Ikaw lamang ang nakikita ng aking mga mata
At ang iyong boses lamang ang aking naririnig
Alam mo ba ang pakiramdam na ang puso mo ay tumigil sandali?

Alam mo ba ang aking ngiti sa gabi
Kapag ako'y sinabihan mo ng "Goodnight"?
Hindi mo maikukumpara ang saya
Ang sayang dulot mo sa buhay ko
Sa kahit anong saya na mararanasan mo

Ngunit, ang lahat ay naglaho
Hindi mo man lang ako kinakausap
Ngayon, ang nararamdaman ko kapag nakikita kita
Ay nag iba na

Kapag nakikita kita, ang mundo ko'y nawawalan ng kalinawan
Nandidilim ang paligid at gusto kong mamatay
Lalo na pag may kasama kang lalaki
Ang aking puso ay hindi makatibok ng maayos

Sa aking paguwi ako ay mapapaisip
Magiisip ng magiisip hanggang alas tres ng umaga
Bakit siya, bakit hindi ako?
Bakit nga ba siya, at bakit hindi ako?

Kaya't paumanhin kung ganito ako
Kasi hindi mo alam ang sakit
Hindi mo rin alam ang kawalan
Hindi mo rin alam kung gaano ka kaimportante sa akin

Pasensya na, nagmamahal lang po ako ng marangal
Pasensya na tao lang
Na nagkakamali
Hindi sa minamahal, kung hindi sa pagmamahal

Pasensya na, buhay ko lang naman ang aking inihanda
Na ibigay sayo ng buong buo
Ano nga ba at hindi mo magawa ang pareho
Sabihin mo at nang ako'y magtanda

Mahal kita
Pero
Sulit ba?

No comments:

Post a Comment